Annyeonghaseyo. Ikinagagalak ko pong ipinapakilala ang aking sarili sa mundo. Ako nga po si Rica Mae B. Reyes a.k.a "Mikay", labingwalong taong gulang. Ako ay ipinanganak noong Hunyo 11, 1996 sa Mayapay, Buruanga, Aklan. Anak nina Rommel Reyes at Connie Reyes. Ako po ay nakapagtapos ng elementarya sa Habana Elementary School at nagtapos din ng Sekundarya sa Buruanga Academy. Ako po ngayon ay nasa Kolehiyo at kumukuha ng kursong edukasyon, Medyur sa Filipino. Pangarap ko pong makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho upang makatulong sa aking pamilya.
Mahilig po akong makinig ng musika at magtext. Mapalad ako at nagkaroon ako ng mga mababait na mga kaibigan at totoo.
At naniniwala po ako sa kasabihang " Kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo ay babalik din sayo".
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento